Lunes, Abril 25, 2016

Ang babae: Ang Diyos

Ang babae: Ang Diyos: Siya ang nagbigay ng buhay sa atin. Siya ang lumikha sa mga bagay-bagay sa paligid .Katulad nalang ng ibon,puno,kagubatan,dalampas...

Ang Diyos








Siya ang nagbigay ng buhay sa atin.
Siya ang lumikha sa mga bagay-bagay sa paligid .Katulad nalang ng ibon,puno,kagubatan,dalampasigan,at iba pa sa ating kapaligiran..Siya ang makapangyarihang nilalang para sa atin .Kung wala ang makapangyarihan na ito,wala rin tayo dito..Wala rin tayong magandang kapaligiran.......





Ang Tsinelas








Ang tsinelas ay isang bagay na hindi mo magagamit kapag iisa lang ito kapag wala ang isa.Ang tsinelas ay sinusuot ng tao.Ito ay ang tsinelas ,dito mas maraming tao ang komportable gamitin o suotin kaysa sa sapatos.Ang sapatos kasi ay masakit sa paa.At kulob ang paa pero ang tsinelas komportable sa ating paa ito ay sinusuot may okasyon an o wala araw-araw nating kailangan itong tsinelas......

Ang Pag-ibig
















Ano nga ba ang Pag-ibig?





Ang pag-ibig diba ito ay pagmamahal karamihan kasi sa mga tao ngayon kapag narinig na ang salitang pag-ibig o pagmamahal ay bf/gf na kaagad pumapasok sa kanilang isipan .Diba pwedeng pagmamahal muna sa ating mga mahal sa buhay katulad nalang ng nanay at tatay. Pagmamahal sa ating mga magulang kung gaano nila tayo minamahal. Kung gaano tayo inalagaan nung tayo ay maliit pa lang.

Sabado, Abril 16, 2016

SUMMER....






Marami ngayon ang mga namamasyal sa ibat-ibang lugar upang sila ay maka pag swimming dahil sa sobrang init ng panahon..Ang panahon natin ngayon ay sobrang init,marami sa ngayon ay na hiheat stroke dahil nga sa panahon..Kaya ang karamihan ngayon ay nagssisipag-outing upang makapagbabad sa tubig..Yung iba nagpupunta sa lugar na malamig ang klima,tulad ng Baguio. Upang mapasaya ang kani-kanilang anak..

BESTFRIEND

Ang BESTFRIEND sila ang kasama mo sa mga oras ng kalokohan...Kasama mo madalas sa libutan,at kahit saan magpunta.Sila ang kasama sa kasayahan at kalungkutan,at iba pa.Sila yung palaging kasama sa lahat ng oras,sila ang kaibigan na maituturing mong kapatid.Sila yung kahit wala ka o andyan ka sa tabi nila ,hindi ka nila sisiraan.Hindi ka ichichismis sa kung saan-saang tao na madaldal.Ang ang turing sayo ay tunay na kaibigan.Mas excited pa ang mga ito kapag sasapit na ang iyong kaarawan.Sila yung laging nagpapasaya sayo,magkasama sa kasayahan at kalungkutan.Kapag ikaw ay malungkot gagawa at gagawa ng paraan mapangiti ka lang nila.Hindi ka hahayaan na nalulungkot...yan ang tunay na kaibigan...

Biyernes, Abril 15, 2016

Ang Puso ay natuturuan din...

Ang puso ay natuturuan din kung paano magmahal. Ang puso ay natuturuan din na itigil mo na ang feeling kung sinumang tao ang  nanakit sa puso o sa yo.Upang tayo ay sumaya kahit na tayo ay nasaktan na .Tuturuan natin ang puso kung paano magmahal ng totoo.Natuturuan din kung paano tayo magiging masaya ,kahit na minsan tayo ay nasasaktan…Upang gamutin ang mga sugat sa ating puso ,kaya nga mas mataas ang utak kaysa sa puso…

Para sayo Kaibigan

Tayo ay may kanya-kanyang kaibigan.Kaibigan na malalapitan kapag may problema.Kaibigan na hindi ka sisirain.Kaibigan na malalapitan sa lahat ng oras.Kaibigan na andyan palagi sa lahat ng oras.Ang kaibigan ay  itinuturing mo ng kapatid kasi sa lahat ng bagay kayo ay magkasama.Lahat ng tungkol sayo ay alam niya dahil tunay na kaibigan.Kaibigan na laging kasama mo sa oras -oras,minu-minuto.

Paano nga ba magmove-on?

Ito ang mga kadalasang tanong ng mga taong BROKENHEARTED. Kung paano nga ba magmove-on? Tanggapin mo na hindi na kayo. Paano mo malalaman ang salitang move-on.Kung lagi mong iisipin ang taong naging bahagi ng buhay mo. Lahat ng memories niya itapon mo na kung gusto mo talaga magmove-on . Beacause the more na nakikita mo mga gamit niya maaalala mo siya. Iwasan mo na ang mga bagay na makapagpapa-alala sa kanya. Sarili mo lang ang makatutulong sa pagmomove-on mo.Kailangan na may sapat kang kakayanan na gawin yun. Ifocus mo na lang ang oras mo sa pag-aaral o di kaya sa pamilya,kaibigan at kabarkada.

Ang tunay na kalayaan...

Ang tunay na kalayaan ay may karapatan tayong pumili kung ano ang gusto natin sa buhay.tayo ay may karapatng pumili kung ano ang gusto nating panindigan sa buhay...tayong lahat ay may kalayaan sa buhay na pumili ng kung anong gusto nating gawin sa buhay....

Ang Pag-ibig at pantasya na gawa kong mag-isa.

Masaya ko dahil,sa tinagal tagal ng panahon naging kami din.Yung tipong inlove na inlove ako sakanya.iniisip mo kahit saan ka magpunta ,maghapon magdamag siya ang laman ng isip ko .Puro siya ang laman ng puso't isip ko ,di ko kayang mawala sya sa akin.Kung minsan ay may oras na ,wala siyang time sakin. Mahal na mahal ko na talaga siya maya't- maya ko siyang tinatawagan kung minsan naman ay sa facebook..Pag-ibig nga naman ...